Pag Install nang Firewall sa Ubuntu 10.10, code name: Maverick Meerkat

Ubuntu

Ubuntu

Ang default firewall na ginagamit ng Ubuntu ay tinatawag na UFW at ang ibig sabihin ay “Uncomplicated Firewall”.
Upang ma-activate ang Firewall, mag isyu nang sumusunod na command sa terminal. Ang terminal ay makukuha sa pamamagitan ng pag-click sa Aplikasyon -> Accessories -> terminal.

Issue mo ang command: sudo ufw enable

Ikaw ay makakakita ng sagot na: Firewall is active and enabled on system startup.

Para sa mga gumagamit ng GUI dahil hindi kayo pamilyar sa command line interface, huwag kayong mag-alala dahil may opsyon ka na gumamit nang GUFW (ang Graphical Interface na ginagamit para sa UFW).
GUFW ay isang madaling paraan upang pamahalaan ang Ubuntu Firewall. Maaari kang gumawa ng mga karaniwang gawain tulad ng nagpapahintulot o pag block sa mga pre-configured na individual port(s).

Upang ma-install, mag isyu nang sumusunod na utos sa mga terminal: sudo apt-get install gufw

Ikaw ay makakakuha ng isang tugon na:
Reading package lists… Done
Building dependency tree
Reading state information… Done
The following extra packages will be installed:
menu
Suggested packages:
menu-l10n
The following NEW packages will be installed:
gufw menu
0 upgraded, 2 newly installed, 0 to remove and 0 not upgraded.
Need to get 683kB of archives.
After this operation, 3,420kB of additional disk space will be used.
Do you want to continue [Y/n]? y

Pindutin ang enter key at tapos ka na.

Ang isa pang pagpipilian upang ma-install ang GUFW kung hindi mo gusto ang mag-type sa iyong keyboard ay i-click mo ang Application -> Ubuntu software Center, i-type mo ang gufw sa search box at pagkatapos i-highlight ang “Firewall Configuration”, pagkatapos i-click ang Install na button.

Tandaan: Ang Canonical ay hindi nagbibigay ng mga update para sa Ubuntu firewall. Salamat po sa inyong pagbabasa sa ating blog.

Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik sa aming blog

Blogs by ComputersPh.com

Back to Top

Posted in Computers | Tagged , , | Leave a comment