Sa mga nagtatanong kung paano gumawa nang libreng website.
May ibang webhost na nagbibigay nang libreng website ngunit limitado ang iyong pwedeng gawin. Kung minsan ay may mga bagay na hindi mo pwedeng gawin tulad nang pag FTP (File Transfer Protocol) sa iyong website. Ibig sabihin nang pag FTP ay ang pag upload o pagdownload nang pa isa-isang file sa iyong website. Halimbawa kailangan mong mag edit nang isang file, kailangan mo munang download sa iyong hard drive ang file tapos edit mo bago mo i-upload uli sa iyong website pagkatapos mag edit.
Isa pa ay ang libreng website ay hindi nagbibigay nang cPanel. Ang cPanel ay isang WYSIWYG interface para madali mong i-manage ang iyong website. May kasama itong ClamD (virus checker) at webstat. Makikita mo ang website statistics mo, tulad nang kung ilan ang dumalaw sa website mo at kung anong keywords ang ginamit nang mga nag search sa google para lumantad ang website mo sa Google search result.
Isa pa ay ang Fantastico, pwede kang mag install nang mga popular na website interface katulad nang WordPress (blog), Joomla (CMS), Magento (online store), phpbb3 (forum) at marami pang iba sa pamamagitan nang isang click lamang. Pero kung bihasa ka na ay maaari kang mag-install nang iyong paboritong website script sa mano-manong pamamaraan (hindi mo na kailangan ang Fantastico).
Magbibigay ako nang halimbawa sa ibang araw kung paano gumawa nang website kung wala kang Fantastico o wala sa Fantastico ang website script na kailangan mo.
Sa libreng website ay maglalagay din nang link (at kung misan Ads) sa iyong website ang iyong provider.
At ang pinaka importante ay ang Technical support. Kung libre ay wala kang technical support. Kung may problema ang website mo, ikaw mismo ang maghahanap sa Google o magtanong sa mga Forum kung paano ayusin ito.
Isa pang mahalaga ay ang google search index. May alam akong website na gumamit nang walang bayad na provider pero mahigit isang taon bago lumabas sa google search result ang kanyang website. Karamihan nang iyong website traffic ay manggagaling sa google search result, kung hindi naka index ang iyong website, walang gaanong dadalaw sa website mo kaya ang iyong google ranking ay mababa din.
Marami ka nang makikita at mapag-pipilian na mga murang website sa mga araw na ito ngunit kung gusto nang libre ay mag hanap ka lang sa Google.
Kung baguhan ka, mas madali ang gumawa nang website sa may bayad. Hindi ka na rin mag aalala dahil naka-monitor ang website mo at may website back-up, sakaling magkaproblema ang server. At ang pinaka mahalaga sa baguhan ay ang Technical support.
Salamat sa inyong pagdalaw sa ComputersPh.com. Balik na lang kayo lagi.